ILOILO CITY – Isasailalim ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa verification upang malaman kung tunay nga na gold bar ang nakuha sa dalawang tao na nahuli sa entrapment operation sa Brgy. Bangac, Mina, Iloilo.

Una nang nakilala ang naaresto na sina Joel Unabia, 50, ng Banate, Iloilo at Ma. Yovhabel Vidal, 60, ng Roxas City, Capiz.

Ayon kay Lt. Col. Anthony Gantang ng CIDG-Iloilo, nahuli sina Unabia at Vidal sa pamamagitan ng entrapment operation matapos mag-demand ang dalawa ng P10 million.

Nabawi ng CIDG sa dalawa ang boodle money at ang karagdagang P1,000 kapalit umano ng 74 kilos na gold bar na may sukat na 4x4x16 inches.

Nakuha rin sa dalawa ang isang unit ng .45 caliber pistol, isang magazine, mga bala at holster ng nasabing baril at isang unit ng Nissan Navarra na may plate number FGR 914.

Sina Unabia at Vidal ay nahaharap sa kasong syndicated estafa habang inaalam pa kung tunay nga ba ang narekober na gold bar.