Napanatili ni Japanese undisputed super bantamweight world champion Naoya Inoue ang kaniyang titulo laban kay Luis Nery ng Mexico.
Napatumba ni Inoue si Nery sa loob ika-anim na round sa laban na ginanap sa Tokyo Dome.
Sa unang round ay nagulat ang nasa 45,000 na mga fans ng mapatumba ni Nery si Inoue sa unang round gamit ang kaniyang kaliwang suntok.
Mabilis na nakabangon ang tinaguriang “Monster” at nakabawi kay Nery pagdating ng ikalimang round ay napatumba nito ang Mexican boxer hanggang tinapos niya ito sa ika-anim na round sa pamamagitan ng kaniyang right hook.
Ito ang unang boxing event na ginanap sa Tokyo Dome mula ng mapatumba ni James “Buster”Douglas si unbeaten heavyweight champion Mike Tyson noong Pebrero 1990.
Mayroon ng record ngayon si Inoue na 27 panalo at walang talo na mayroong 24 knockouts at unang laban mula ng maging undisputed super bantamweight world champion noong Disyembre.
Siya rin ang ikalawang tao na naging undisputed world champion sa dalawang magkaibang weights mula ng magsimula ang four-belt era noong 2004 at ang una ay si Terence Crawford.
Ang 29-anyos na dating two-division world champion na si Nery ay mayroong record na na ng 35 panalo at dalawang talo na mayroong 27 knockouts.