-- Advertisements --

Niyanig ng 6.0-magnitude na lindol ang Cebu ala-1:06 ng madaling araw, Oktubre 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). 

Ayon sa inisyal na bulletin ng PHIVOLCS, naitala ang lindol sa southwest ng Bogo, Cebu.

Ito ay may lalim na 10 kilometers at ang pinagmulan nito ay tectonic — dahil nagkaroon ng biglaang paggalaw sa ilalim ng lupa sa lugar ng fault line.

Iniulat ng PHIVOLCS ang sumusunod na instrumental intensities:

Intensity V – Villaba, Leyte
Intensity IV – Danao, Asturias, Argao City, Talisay, Cebu City, Cebu; Isabel, Leyte, Hilongos, Ormoc City, Abuyog, Leyte; Hinunangan, Southern Leyte

Dahil sa naranasang lindol, inaasahan ang pinsala at aftershock.