-- Advertisements --
Hiniling ni Senator Robinhood Padilla kay Senate Secretary Renato Bantug Jr, na isapubliko ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Kasunod ito sa tuluyang pagbasura ng Office of the Ombudsman ang paghihigpit sa publiko para makita ang SALN ng mga opisyal ng gobyerno.
Sa sulat ng Senador kay Bantug, sinabi nito na kusang loob siya na nagbibigay pahintulot na ilathala ang kaniyang SALN.
Nakikiisa rin si Padilla sa ganap na pagpapahayag at katapatan na naaayon sa prinsipyo ng “Public Office is a public trust”.