-- Advertisements --
Hindi na umano makikipagtulungan sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
Inanunsyo ito ni ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka sa isang pahayag ngayong araw sa isang press conference.
Ayon kay Hosaka, ginamit ng Discaya couple ang kanilang karapatang huwag magsalita laban sa sarili.
Idiniin din nila na hindi na sila makikibahagi sa anumang hakbang ng komisyon.
Ang imbestigasyon ay kaugnay ng mga alegasyon ng katiwalian sa ilang proyekto ng imprastruktura.
Dahil dito, posibleng maantala ang pag-usad ng mga kasong isinampa laban sa kanila.
Patuloy namang magsasagawa ng pagsisiyasat ang ICI upang makuha ang kinakailangang ebidensya mula sa ibang sangkot sa kaso.