Bahagyang humina ang bagyong Nando habang ito ay papalayo mula sa Babuyan Island.
Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 145 kilometers ng West Northwest ng Calayan, Cagayan.
Mayroong taglay pa rin itong lakas ng hangin na 205 kilometers per hour at pagbugso ng 285 kph.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 4 ang mga lugar ng Panuitan Island , Calayan Island, Dalupiri Island ,Irao Island ,Mabag Island, Barit Island, Fuga Island sa Babuyan Islands; Santa Praxedes, Claveria sa bayan ng Cagayan; Pagudpud, Burgos, Bangui, Dumalneg, Adams sa Ilocos Norte.
Nakataas naman sa signal number ang mga lugar ng Batanes, natitirang bahagi ng Babuyan Islands; Lal-Lo, Gattaran, Lasam, Allacapan, Ballesteros, Abulug, Aparri, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Alcala, Rizal, Santo Niño, Gonzaga, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Ana sa bayan ng Cagayan; Flora, Santa Marcela, Pudtol, Luna, Calanasan, Kabugao sa Apayao at natitirang bahagi ng Ilocos Norte.
Nasa signal number 2 naman ang natitirang mainland Cagayan; Santo Tomas, San Mateo, Aurora, Santa Maria, Quezon, Roxas, Luna, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Reina Mercedes, San Manuel, Cabatuan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos sa Isabela; natitirang bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao; Mankayan, Buguias, Bakun, Kibungan sa Benguet; Ilocos Sur; at sa mga bayan ng Sudipen, Bangar, Luna, Balaoan, Santo sa La Union.
Nakataas naman ang signal number 1 sa natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Benguet, natitirang bahagi ng La Union, Pangasinan, Aurora,Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales; General Nakar sa Quezon kasama na ang Polilio Islands.
Inaasahan na tuluyan ng makakalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Nando sa umaga ng Martes, Setyembre 23.