-- Advertisements --

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Tropical Depression (TD).

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nitong alas-8 ng gabi ng Setyembre 17, 2025 ng makapasok ang bagyo.

Nakita ang sentro ng nasabing bagyo sa 1,140 kilometers ng East of Southeastern Luzon.

Mayroong taglay ito na hangin na 55 kilometers per our at pagbugso ng 70 kph.
Inaasahan na itataas ang Signal number 1 sa malaking bahagi ng Northern Luzon sa araw ng Sabado.

Ang bagyong Nando ay siyang pangalawang bagyo na nakapasok sa loob ng isang linggo dahil sa patuloy ang pananalasa ng bagyong Mirasol matapos na ito ay maglandfall sa Casiguran, Aurora.