ILOILO FLOODS URSULA

Pumalo na sa 28 ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyong Ursula.

Sa pinakahuling data ng mga local government units (LGUs) lumalabas na apat na ang namatay sa Eastern Samar, tatlo sa Leyte at Biliaran, 13 sa Iloilio, apat sa Capiz at tatlo sa Oriental Mindoro.

Ang naturang bilang ay nakarating na rin sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) habang patuloy ang dating ng mga data mula kahapon na nasa 21 ang patay dahil sa bagyo.

Maliban dito, umaabot naman sa 12 ang naitala pang nawawala habang dalawa ang sugatan sa western at Eastern Visayas.

Aabot pa rin ngayon sa 12,139 na pamilya o 45,757 indibidwal ang nasa evacuation centers sa 340 villages sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Caraga.

Nasa 115 na lungsod at bayan na sinalanta ng bagyo na nakaranas din ng power outages sa western at Eastern Visayas.

roxas floods Ursula
roxas floods 1
roxas city floods
roxas city ursula floods