CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang Barangay Kagawad sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Sasama Guimadel Samok, 58 anyos, may asawa,barangay kagawad ng barangay Rajamuda Pikit North Cotabato.

Ayon kay Police Major Mautin Pangandigan,Hepe ng Pikit PNP na habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo mula sa tahanan nito patungong public market.

Ngunit pagsapit ni Brgy Kagawad Samok sa Brgy Fort Pikit ay bigla siyang pinagbabaril ng riding in tandem suspect gamit ang kalibre.45 na pistola.

Kahit sugatan si Samok ay nagawa pa nitong magmaneho ng motorsiklo patungo sa detachment ng Cafgu at nagpasaklolo

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Ang biktima ay agad dinala sa Cruzado Medical Hospital sa Pikit Cotabato at nasa ligtas ng kalagayan nang magtamo ng sugat sa kanyang likod at braso.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pamamaril sa biktima.