Sumakabilang buhay na ang nakababatang kapatid ni US President Donald Trump na si Robert, 71, habang nasa ospital sa New York.
Sa isang statement, inanunsyo ni Trump ang pagpnaw ng kanyang kapatid, na itinuturing niya bilang isang matalik na kaibigan.
“He will be greatly missed, but we will meet again. His memory will live on in my heart forever. Robert, I love you. Rest in peace,” ani President Trump.
Kahapon, nagtungo pa ang presidente sa New York para dalawin ang kanyang kapatid sa New York Presbyterian Weill Cornell Medical Center bago naman tumungo ng New Jersey.
Hindi na idinetalye pa ng presidente kung gaano na katagal nasa ospital ang kanyang kapatid at kung ano ang sakit nito.
Pero nauna nang napabalita na isinugod sa intensive care unit ng Mount Sinai Hospital sa New York si Robert noong Hunyo.
Nagtagal siya doon ng mahigit isang linggo.
Si Robert ay pinakabata sa limang magkakapatid na Trump. (CNN)