ILOILO CITY- Dumipensa ang nag-iisang crematorium sa buong Panay kasunod ng dalawang linggong pagpapatigil ng kanilang cremation sa mga namatay sa COVID-19.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mrs. Fely Abecia, may-ari ng Gegato Abecia Funeral Homes Incorporated & Crematory, sinabi nito na noong nakaraang araw, nagkumpulan ang mga bangkay ng mga namatay sa COVID-19 kung saan halos araw-araw, hindi bababa sa 20 ang mga dinadalang bangkay mula sa bawat lungsod at lalawigan sa Panay upang i-cremate.
Ayon kay Abecia, nag-iisa lang ang kanilang human cremation machine kung saan tumatagal ang cremation ng isang bangkay ng 30 hanggang 45 minuto.
Anya may mga local government unit sa Panay na iniiwan na lang basta-basta ang mga bangkay ng mga namatay sa COVID-19 kung kaya’t nagkumpulan ang mga bangkay noong nakaraang araw kung saan nakunan pa ito ng video.