Positibo ang naging reaksyon ng ilang civic society groups kaugnay sa panibagong mga impormasyon ukol sa paninindigan ng bansa sa teritoryo nito.
Batay kasi sa ulat, iginiit ang kahalagahan o importansya ng ipinapakitang mga hakbang ng Pilipinas kontra sa dayuhan bansa pilit inaangkin ang West Philippine Sea.
Kung saan higit pa anila ang kahalagahan ng posisyon ng bansa sa WPS na siyang mas malalim pa umano kaysa ‘territorial claim’.
Ayon kasi sa kanila na ito’y importanteng ambag o hakbang para mapanatili ang pandaigdigang kaayusan at paggalang sa batas.
Ibinahagi naman ni Dr. Jose Antonio Goitia, chairman emeritius ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya at iba pang grupo, na ang paninindigan sa teritorya ay dapat naaayon pa rin sa batas, katotohanan, at dangal ng mga Pilipino at hindi bunga ng takot.
Sa kabila kasi ng mga hakbang ng Tsina sa teritoryong West Philippine Sea, hindi kailanman gumamit ng dahas ang bansa.
Buhat nito’y sa pagtindig gamit ang 2016 Arbitral Ruling ay nakatutulong para sa pagpapatibay ng kaayusan sa Asya.
Kung kaya’t napapanatili pa rin ng bansa ang karapatan nito sa karagatan o teritoryo mula at laban sa Tsina.















