Pinayagan na ng Sandiganbayan ang konsolidasyon ng mga kasong kinakaharap ni Zaldy Co atbpang akusado sa P289.5-million flood control project sa Oriental Mindoro.
Nahaharap si Co sa kasong graft at malversation habang ang iba pang kapwa niya akusado ay kinasuhan ng malversation.
Sa unang batch ng mga kinasuhan at inisyuhan ng warrant of arrest dahil sa malawakang flood control corruption, siyam pa lamang ang nasa kostudiya ng gobiyerno, habang patuloy na pinaghahanap ang iba pa.
Nag-mosyon ang prosecution na pagsamahin ang mga kaso dahil magkakapareho ang facts na nakapaloob sa kaso, kasama ang mga natunton na transaksiyon at ebidensiyang ihaharap sa paglilitis.
Kinalaunan, kinatigan ng anti-graft court ang mosyon ng prosecution.
Sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan 6th Division, ipinunto nito na magiging redundant, magastos, at mas magiging matagal para sa korte at sa prosecution at defense panel kung paghihiwalayun pa ang mga pagdinig.
















