-- Advertisements --

Pinahanga ni Philippine bet Cyrille Payumo ang pageant fans matapos ilabas ng Miss Charm organization ang kanyang opisyal glamshot para sa Miss Charm 2025.

Makikita si Cyrille na naka-blush pink gown na may draped detail habang naka-pose sa gitna ng makukulay na floral arrangement, na lalong nagpa-highlight sa kanyang eleganteng aura.

Sigaw ng mga Filipino supporters nito na bumoto para kay Cyrille sa misscharm.1voting.com upang matulungan siyang makapasok sa Top 10 finalists na iaanunsyo sa coronation night sa December 12.
Sa ngayon, nasa ika-17 puwesto siya sa online voting.

Si Cyrille, na unang lumipad patungong Vietnam noong nakaraang linggo para sa pageant, ay kinoronahan bilang Miss Charm Philippines 2024 at target ang unang Miss Charm crown para sa bansa.

Dati na rin siyang nanalo bilang Miss Tourism International 2019 sa Mutya ng Pilipinas at lumaban sa Binibining Pilipinas 2022.