NAGA CITY- Naaagnas na ang katawan ng isang 52-anyos na lalaki nang matagpuan sa isang balon sa Purok-2, Vinzons, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office(CNPPO) napag-alaman na natagpuan ang bangkay ni Jonathan Umerez ng isang magsasaka.

Natagpuan ito sa ilalim ng balon na may lalim na 15 feet sa gitna ng niyogan na may layong 2 kilometro sa mga residential houses.

Naniniwala naman ang mga residente na nahulog ito dahil sa malakas na pag-ulan.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbebstigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.