-- Advertisements --

Inamin ng Malacanang na wala pang plano hinggil sa posibleng paglikas sa mga Pinoy na nasa Wuhan City sa China sa gitna ng pagkalat ng novel coronavirus (N-Cov).

Ang nasabing lungsod ang epicenter ng nakakamatay na N-Cov outbreak.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi mapipilit ng pamahalaan ang mga Pinoy na nasa Wuhan na basta iwan na lamang ang kanilang trabaho roon.

“Wala tayong narinig na mayroong ganong patakaran si Presidente,” ani Panelo. “‘Yung Filipino na nasa ibang bansa, they are working there. If they feel that they are safe, hindi mo mapapaalis ‘yun don, kasi livelihood nila ‘yun.”