BAGUIO CITY – Kasong murder at paglabag sa Anti-Hazing Law ang isasampang kaso ng Philippine National Police (PNP) laban sa anim na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na itinuturing na principal suspek sa pag-maltrato na ikinamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ayon kay Baguio City chief of police Col. Allen Rae Co, tig-isang Cadet 1st at 2nd Class, at apat na Cadet 3rd Class ang tinutukoy na nasa likod ng insidente.

Sa Lunes daw nakatakdang sampahan ng pulisya ang anim matapos makuhanan ng salaysay ang nasa 16 witness.

Lumalabas na hindi aksidente, kundi pinag-planuhan ang pangmamaltrato kay Dormitorio.

Una ng kinilala bilang suspects sina Cadet 1st Class Axl Ray Sanopao, Cadet 3rd Class’ Shalimar Imperial at Felix Lumbag, Jr.