-- Advertisements --

Viral online ang pagpasa ng korona ni dating Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kay Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo.

Ito ay matapos maling mailagay ni Dee ang korona sa ulo ng bagong Miss Universe at tila binalanse ni Chelsea ang korona ng ilang segundo para hindi ito mahulog.

Nang mapansin ay agad namang inayos ni Dee ang pagkakakabit ng korona.

Biro naman ng isang fans, “first task as miss universe, balance the crown.” Ikinatuwa naman ni Dee ang comments online at sinagot niya ang fans na kahit papano ay inayos niya naman.

Samanta, alamin naman natin ang sagot na nagpanalo kay Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo sa kaniyang Q&A portion.

Sa tanong na, paano niya gagamitin ang pagiging matalino at maganda para ma-empower ang iba.

Sagot ni Chelsea Manalo, “As a woman of color, I’ve always faced challenges in my life. I was told that beauty has standards, but for me, I have listened and always believed in my mother.”

“To always believe in yourself. Uphold the vows that you have in yourself. Because of these, I am already influencing a lot of women who are facing me right now. As a transformational woman, I have 52 other delegates here with me who helped me become the woman I am,”

Si Chelsea ay isang half-American, lumaki siya sa piling ng kaniyang ina at stepfather matapos pumanaw ang kaniyang biological father.

I-rerepresenta ngayon ni Manalo ang Pilipinas sa paparating na Miss Universe pageant sa Mexico.

Samantala, umagaw naman ng pansin ang style ng host at actor na si Alden Richards sa pag anunsyo ng mga pangalan ng kandidata.

Sa comments online, ipinagtanggol si Alden ng ilang supporters matapos mapansin ng ilang netizens na pasigaw ang pag anunsyo nito.

Ayon sa ilang taga suporta, mabuti na ang ganoong style kesa naman sa walang energy.

Si Alden ay isa sa mga host ng coronation night kahapon, kasabay niya ay sina Gabbi Garcia, Tim Yap, Jeannie Mai, at R’Bonney Gabriel.