Kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang aktor na si Alden Richards at aktres na si Barbie Forteza bilang isa sa mga nangungunang taxpayers sa bansa.
Pinarangalan ng BIR sina Alden at Barbie hindi lamang dahil sa kanilang malaking ambag sa pagbabayad ng buwis, kundi pati na rin sa paggamit ng kanilang impluwensya upang hikayatin ang publiko na maging tapat sa pagbabayad ng tamang buwis.
Ayon kay Alden, mahalaga ang pagbabayad ng buwis, ngunit higit pa rito ang pagtutulungan ng bawat Pilipino para sa pag-unlad ng bansa at pag-angat ng pamumuhay ng mga nangangailangan.
Samantala, sinabi ni Barbie na ang pagbabayad ng buwis ay isang pribilehiyo at responsibilidad, dahil ito ang pinagmumulan ng pondo para sa mahahalagang serbisyo ng pamahalaan tulad ng kalusugan, edukasyon, at iba pang programang pangkabuhayan.
Kasabay ng pagkilalang natanggap, ipinagdiwang din ni Barbie ang kanyang kaarawan. Ani ng aktres, mas gusto niya ang simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya, at isang masarap na seafood dinner lamang ang kanyang birthday wish.















