ILOILO CITY- Inilagay na sa lockdown ang ilang opisina sa munisipyo ng Anilao, Iloilo.
Ito’y matapos na nakipatransaksyon ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagpositibo sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Ang pasyente ay si WV765, 56-anyos na babaeng OFW na umuwi sa Anilao noong Marso at nakatakda sanang bumalik sa Middle East.
Ayon kay Anilao Mayor Nathalie Ann Debuque, pansamantalang ipapasara ang ilang opisina upang magsagawa ng disinfection.
Napag-alaman na tumungo pa sa Anilao Police Station noong Hulyo 15, at noong Hulyo 16 ay pumunta naman ito sa Treasurer’s Office ng munisipyo.
Tatagal naman hanggang Hulyo 25 ang pagsuspende ng operasyon ng mga opisina.
Nasa 27 naman ang napabilang sa mga naka-close contact ng pasyente sa isinigawang contact tracing.