Hindi pa inirerekomenda sa ngayon ng independent Research Group na OCTA ang muling paggamit ng face shields ngayong nakapasok na sa bansa ang highly transmissible Omicron coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant.
Paliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na advisable ang pagsusuot ng face shield sa bansa kapag nakaranas ng surge ng COVID cases.
Suportado naman ng OCTA ang paggamit muli ng face shield sakaling magkaroon ng surge sa mga kaso bilang karagdagang proteksiyon.
Nakikita sa ngayon ayon kay Dr. David na malayo pa na umabot sa bahagyang malalang surge kahit na magkaroon ng uptick dahil napakababa ng bilang ng mga kaso.
Nauna nga rito sinabi ni Dr. David na nakikitaan ng pagtaas sa positivity rate sa Metro Manila subalit marahil ay dahil aniya ito sa holidays.