Inanunsyo ni Mutya ng Pilipinas president Cory Quirino ang inihahandang homecoming para sa bagong waging Miss Tourism International na si Cyrille Payumo ng Pilipinas.

Ayon kay Quirino, uuwi si Payumo sa lalawigan ng Pampanga at inaasahan nila ang masayang “welcome” para sa panibagong beaty queen na naghatid ng karangalan para sa ating bansa.

Matatandaang tinalo ni Cyrille ang mga kinatawan ng 38 bansa sa ginanap na Miss Tourism International 2019 sa bansang Malaysia.

Nakuha rin nito ang best in national costume na gawa ng designer na si Rich Sabinian.

Si Payumo ay siyang pang-limang Pinay na nakakuha ng nasabing korona.