Reading Time: 1 minute
MRT 3 CABLE
MRT

Balik na sa normal ang operasyon ng MRT-3 exacto alas-5:00 ng hapon kanina.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3 nasa 13 trains ang operational at tumatakbo.

Inanunsiyo din ng MRT3 na nasa siyam hanggang 10 minuto ang headway nito sa mga istasyon.

Alas-4:35 kanina ng matagumpay na nareconnect ng MRT 3 Overhead Catenary System Team ang naputol na catenary cable kaninang umaga sa may bahagi ng Guadalupe station.

Ngayong balik na sa normal ang operasyon tututukan na ng MRT3 ang gagawing imbestigasyon kung ano ang naging sanhi sa pagputol sa catenary cable.