-- Advertisements --

Papayagan na ng Department of Transportation ang paggamit ng GCash, Paymaya debit at credit cards bilang bagong paraan ng pagbabayad ng pamasahe sa LRT at MRT simula Hulyo.

Kasama ito sa planong pagpapatupad ng cashless turnstiles sa ilalim ng automatic fare collection system, kung saan maaaring direktang i-tap ang mobile phone o card sa gate ng tren, nang hindi na kailangang bumili o mag-reload ng Beep card.

Ang hakbang ay tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas episyente at accessible ang pampublikong transportasyon at magkaroon ng mas bukas at flexible na payment system na konektado sa iba’t ibang financial platforms, gaya ng mga ginagamit sa mga pangunahing lungsod sa ibang bansa.

Nakatakdang magsagawa ng pilot testing at information drive bago ang opisyal na paglulunsad.

Patuloy din ang koordinasyon ng DOTr sa mga transport operator at service provider upang matiyak na magiging maayos ang implementasyon.