-- Advertisements --
Maaring magbukas na sa taong 2027 ang Metro Rail Transit 7 Common Station.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, na kaniyang nakausap ang private company na may hawak ng proyekto kung saan tiniyak sa kaniya na maaring bago ang 2027 ay operational na ito.
Ang MRT-7 ay mula sa Quezon City patungong Bulacan ay mapapakinabangan na ng mga mananakay sa 2027.
Maaaring maisabay na rin ang operayon ng MRT-7 ang pagkumpleto na ng Common station.
Mahigit 15 taon na ang paggawa ng nasabing MRT-7 kung saan makailang ulit ng iniuriong ang operasyon nito dahil sa ilang mga aberya.