-- Advertisements --
Ipinaliwanag Quezon City Government kung bakit hindi nila pinayagan ang Iglesia Ni Cristo ng magsagawa sila ng dagdag na araw na kilos protesta.
Sinabi ni Quezon City Department of Public Order and Safety Head Elmo San Diego, na mayroon silang mga sinusunod na panuntunan na hindi sila nagbibigay ng permit sa tatlong magkakasunod na araw.
Dagdag pa ni San Diego na noong unang araw ng biglang pagsagawa ng rally ng mga INC ay walang mga opisyal silang nakausap.
Ipinaalala din nito sa grupo na mayroong parameters na kanilang ipinatupad na dapat ay mahigpit na sundin ng grupo.
















