-- Advertisements --

Handa ng ilipat ng Philippine National Police (PNP) mula sa PNP General Hospital patungo sa Quezon City Jail sa Payatas si Senator Rodante Marcoleta.

Ito ay matapos na ideklara na ng mga doktor nito na siya ay ‘fit to travel’ na.

Sinabi ni Police Lt.Col. Benaly Bayani ang hepe ng PNP General Hospital Internal Medicine Department na tatapusin lamang ng Senador ang intake nito ng anti-biotics ng hanggang Hulyo 15 dahil sa kaniyang mild pneumonia.

Paglilinaw nito na hindi na kailangan pa ng ilipat pa sa ibang pagamutan ang Senador dahil sa naging maganda naman ang mga resulta ng ilang mga laboratory test nito.

Patuloy din ang pagsusumite ng PNP General Hospital ng mga daily medical reports sa kondisyon ni Marcoleta.

Natitiyak naman nila na sila ay susunod sa utos ng Sandiganbayan sakaling utusan nila ang mga ito na ilipat siya.

Magugunitang noong Hulyo 6 ng maaresto ang Senador dahil sa kasong plunder kung saan nagkaroon ito ng sakit kaya dinala siya sa PNP General Hospital.