Nakahanda na ang Manila Police District (MPD) para sa mga gaganaping rally ngayong Oktubre at Nobyembre na bahagi pa rin ng Trillion Peso March nitong Setyembre 21.
Sa isang eklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kay MPD Spokesperson PMaj. Philipp Ines, kabilang sa kanilang paghahanda ang pagtatalaga ng mga security detail para sa mga kilusan na ito habang nagppatuloy ang kanilang mga monitoring sa mga lugar na madalas pagdausan ng mga rally sa Maynila.
Maliban sa mga itinalagang pulis para sa mga rally, kinumpirma rin ni Ines na mayroon ding mga tauhan ang MPD na nakastand-by para magbigay augmentation kung kakailanganin man sa mga protesta na ito.
Tiniyak rin ni Ines na nakahanda na ang kanilang mga tauhan para sa mga nakatakdang ikasang mga rally na ito kung saan nagkasa naman ng isang simulation exercise ang MPD nitong Linggo sa Mendiola.
Higit sa 200 mga pulis naman ang nakilahok sa simulation exercise na ito kung saan wala namang namonitor na mga pagkilos ng mga grupo sa lugar.
Layon ng pagasanay na mas mapalakas pa ang kakayahan ng mga pulis sa ilalim ng Civil Disturbance Management (CDM) na siyang nagsisilbing barikada kada magkakaroon ng kilusan at rally sa ilang bahagi ng Maynila.
Samantala, hinikayat naman ni Ines ang mga grupong nagbabalak magsagwa ng malawakang kilos protesta sa Maynila na mas mainam kung magkaroon sila ng mga permit upang maging otorisado ang kanilang mga isasagawang pagkilos.
Sa ngayon, wala pa namang natatanggap na mga permit mula sa mga progresibong grupo ng kanilang tanggapan habang tiniyak naman ni Ines na papanatilihin nilang permissive ang batas hinggil sa pagpphayag ng kanilang mga saloobin basta’t matiyak na magiging maayos at mapayapa ang mg ikakasa nilang programa.