-- Advertisements --

Nagpapakita raw ngayon ang Mount Kanlaon at Bulusan ng senyales ng posibleng phreatic o stream-driven eruptions.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) officer-in-charge Undersecretary Renato Solidum Jr., ang concern daw ngayon ng ahensiya ay ang “tornillo type volcanic earthquakes” na na-monitor sa paligid ng Kanlaon sa mga nakaraang araw.

Aniya ang tornillo volcanic earthquake event ay karaniwang sinusundan ng phreatic o steam-driven explosion at pamamaga ng bulkan.

Maging ang bulkang Bulusan ay nakitaan din umano ng posibleng phreatic o steam-driven explosions.

Dahil dito, nagpaalala ngayon si Solidum sa mga residente na malapit sa mga naturang bulkan na iwasan ang pagpunta sa four-kilometer permanent danger zone ng naturang mga bulkan.

Base naman sa pinakahuling data ng Phivolcs, lima ang naitalang volcanic earthquakes sa Kanlaon habang 11 naman sa Bulusan.