Suspendido na ang lisensya ng online content creator na si Yanna Motovlog matapos ang kinasangkutang rode rage sa Zambales na nag viral online.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), siya ay pinagmulta ng P5,000 dahil sa paggamit ng motorsiklong walang side mirror at P2,000 para sa reckless driving.
Ayon sa desisyon ng LTO, mananatiling suspendido ang lisensya ni Yanna kung hindi nito i-susurrender ang motorsiklong ginamit niya sa insidente, na kalaunan ay kaniyang inamin na hindi niya pag-aari.
Hindi rin umano sumunod si Motovlog sa mga kautusan ng LTO, gaya ng hindi pagdalo sa imbestigasyon at hindi pagsumite ng motorsiklo para inspeksyonin, kaya’t naging dahilan ito ng karagdagang parusa at suspension ng lisensya ng motorsiklo. Pinagbawalan din itong magmaneho habang suspendido ang kanyang lisensya.
Maaalalang matapos ang insidente, humingi ng paumanhin si Yanna Motovlog sa driver ng pickup truck na nakasagutan niya at sa riding community. Sa isang follow-up video, nagpunta siya at ang kanyang kapatid sa lugar ng trabaho ng driver upang mag-apologize nang personal, ngunit hindi nila ito nakita sa lugar.
Babala ng LTO sa moto-vlogger na patuloy na mahuhuli kung magmamaneho sa kalsada habang suspended ang kanyang lisensya.