Nadakip na ng mga pulis ang sinasabing “most wanted man” sa Metro Manila sa lungsod ng Parañaque nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa PNP, naaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Ronnie Bolista, na wanted sa kasong double murder.

Hinuli si Bolista ng police tracker team sa San Antonio Valley, Barangay San Isidro.

Mayroong kinakaharap na warrant of arrest si Bolista para sa mga kasong double murder at frustrated murder na inisyu ni Judge Pedro Dabu ng Malabon RTC Branch 170.

Walang inirekomendang piyansa sa mga kaso ni Bolista.