Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga politiko na tumatakbo sa halalan na limitahan ang kanilang mga bodyguards.
“Tandaan ninyo, hindi kami papayag sa gobyerno na magkaroon ng terrorism sa election. Maniwala kayo or hindi.”
Ginawa ng pangulo ang paalala kagabi sa programa na Talk to the People sa Malacanang.
Ayon sa presidente dapat sundin ng mga kandidato ang tinaguriang Alunan Doctrine na naglilimita sa mga armed guards.
Sinasabing ang Alunan Doctrine na isinulong noon ni dating Interior Secretary Rafael Alunan III ay tumutukoy sa dalawang o mahigit pa na mga armed men ay maituturing na umanong private army at dapat dis-armahan ng gobyerno.
Aniya, kung meron mang mga kandidato na merong banta sa kanilang buhoy ay dapat idulog ito sa pulisya o sa militar para mabigyan sila ng kaukulang proteksiyon.
“I’ve communicated this to the Cabinet that ang (the) rules should really be followed ‘yong Alunan Doctrine nalang. Mas maganda ‘yon (That is better). That more than two bodyguards would be considered a private army,” ani Duterte. “Kung sino man ‘yong mga kandidato (whoever candidate), you limit yourself and if you think there is danger to your person in a certain place or a certain person, ipatawag ng RD ‘yan or ipatawag ng chief of police at kausapin na iwasan lang yung away lalo na gamit ng armas (just call the regional director or chief of police and talk to them to avoid fights, especially using firearms).”