-- Advertisements --
Idineklara ng US bilang public health emergency ang monkeypox.
Ang nasabing hakbang para magdagdag ng pondo, tumulong ng pangangalap ng datus at pagpayag ng dagdag deployment ng mga personnel para malabanan ang nasabing sakit.
Ayon kay US Health and Human Services secretary Xavier Becerra, na nakahanda silang harapin at lutasin ang nasabing sakit.
Ang nasabing deklarasyon ay magiging epektibo ng hanggang 90 araw at ito ay maaring mabago.
Aabot na kasi sa mahigit 6,600 na kaso ng monkeypox ang naitala sa US.
Lumabas sa kanilag pag-aaral na 99 percent ng kaso ng monkeypox ay pawang mga kalalakihan.
Nauna rito idineklara ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox bilang emergency.