-- Advertisements --

Kinoronahan ang dalawang batong 100 meter champions sa World Athletics Championships sa Tokyo.

Nakuha ng 24-anyos na American na si Melissa Jefferson-Wooden ang women’s edition habang sa mens’ division ay nakuha ni Oblique Seville ng Jamaica.

Ang 24-anyos na si Seville ay siyang unang Jamaican na nagkampeon sa global 100 meter title kasunod ni Usain Bolt.

Mayrong record na naitala si Jefferson ng 10.61 segundo habang si Seville ay mayroong 9.77.