-- Advertisements --

Itinaas na ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) ang Red Alert status nito bilang paghahanda sa pagpasok ng Bagyong Uwan sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Nobyembre 7 ng gabi o bukas ng umaga ng Sabado ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahang magdadala kasi ang bagyong Uwan ng 100 hanggang 200 millimeters ng ulan sa Metro Manila sa mga susunod na araw, na katumbas umano ng isang buwang ulan at posible din aniyang itaas sa mas mataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang rehiyon.

Sa pagpu-pulong ng MMDRRMC sa kanilang Virtual Emergency Operations Center, tiniyak ng ahensya ang prepositioning ng kanilang mga assets at resources para sa agarang pagtugon.

Ayon kay Director George Keyser, dapat tiyakin ng mga ahensya na malinaw at nauunawaan ng publiko ang mga babala upang maiwasan ang pinsala at pagkasawi.