-- Advertisements --

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta dahil ilang parte ng EDSA ang gagamitin para sa paggunita ng anibersaryo ng People power bukas. Pebrero 25.

Ayon kay MMDA Traffic Enforcement group director Atty. Victor Nuñez, maglalagay na sila ng zipper lane simula mamayang hatinggabi sa may People power monument kung saan nakatakdang idaos ang isang aktibidad na mini-concert.

Samantala, hiniling naman ng MMDA sa orgnizers na gamitin lamang ang isang lane para sa mga aktibidad.

Sa lungsod naman ng Maynila, magsasagawa ng protesta malapit sa EDSA Shrine bukas dakong alas-3 ng hapon.

Sinabi naman ng MMDA official na full force ang kanilang hanay ngayon pa lamang araw ng Sabado at bukas para matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa lugar.

Ngayong taon nga ang pagmarka ng ika-38 anibersaryo ng people power na nagwakas sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at nagbigay daan para maluklok bilang Pangulo si dating Pres. Corazon Aquino.