Umabot sa 1,112 na mga motorista ang lumabag sa batas trapiko sa unang araw ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) kahapon, Lunes, ayon yan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ng MMDA na mas mababa ang kabuuang bilang ng mga paglabag noong Lunes kumpara sa mahigit 3,000 na naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon nang suspendido pa ang NCAP dahil sa temporary restraining order (TRO).
Kabilang sa mga karaniwang paglabag na naitala sa ilalim ng NCAP ay ang hindi pagsunod sa mga traffic sign, iligal na paggamit ng EDSA busway at motorcycle lane, at ang hindi tamang paglo-load at pag-uunload sa mga itinalagang lugar.
Ang NCAP ay isang patakaran na gumagamit ng closed-circuit television (CCTV), digital camera, at iba pang kagamitan o teknolohiya upang kuhanan ng video o larawan ang mga sasakyang lumalabag sa batas-trapiko, sa halip na hulihin ng mga traffic enforcer sa kalsada.