Arestado ang isang indibidwal na isa sa mga high value target ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon sa may bahagi ng Barangay Sebole, Quezon, Bukidnon.

Ang naarestong most wanted person at high value target ay nakilalang si Datumandog Boratong a.k.a. Andog, 37-anyos.

Si Boratong ay sangkot sa illegal drugs at mayroon ding pending warrant of arrest para sa kasong murder sa Pasig City.

Miyembro rin ang nasabing suspek sa Boratong Group na siyang responsable sa Pasig Shabu Tiange at isa sa mga hitman ng nasabing grupo.

Ang pagkaka-aresto kay Boratong ay bunsod sa pakikipagtulungan ng Regional Intelligence Unit (RIU) 10 sa mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Criminal Investigation and Detection Unit (RCIDU) 10, RID PRO-10, Quezon Municipal Police Station, Kitaotao Municipal Police Station, RMFB 10, NICA 10, RPIOU NCRPO, at MIG- 45.

Kasalukuyang nakakulong si Boratong sa Regional Intelligence Unit  10 bago ito dalhin dito sa Metro Manila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here