-- Advertisements --
Nangako ng missiles at radars ang UK, Canada, France at The Netherlands para sa bansang Ukraine.
Kabilang din sa nangako ang Amerika.
Habang ang pangakong “one high-tech system” naman mula sa Germany ay nasa Ukraine na.
Nangyari ang mga “pledges” habang nagpupulong ang mga kaalyado ng Ukraine mula sa 50 bansa sa punong-tanggapan ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Brussels.
Pinuri naman ng Kyiv ang summit bilang historic o “makasaysayan”.
Napag-alaman na inulan ng mga missile strikes ang Ukraine mula sa Russia.
Inihayag naman ni Russian President Vladimir Putin, na ang ginawa nilang missiles strikes ay “retaliation” mula sa ginawang pangp-aatake sa tulay na nagko-konekta sa Russia at Crimea.