-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na 9 na Pinoy crew members ng inatake at lumubog na MV Eternity C ang nasa kamay ng Houthi forces.

Nilinaw naman ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na tatlo at hindi apat ang napaulat na nasawing Pilipinong tripulante habang isa ang nananatiling nawawala.

Sa kabuuan, nasa 12 Pinoy na ang accounted.

Ang naturang impormasyon ay base sa kanilang pakikipagtulungan sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Iniulat din ng kalihim na walong Pinoy seafarers ang ligats na na-repatriate at nakauwi na sa kani-kanilang pamilya dito sa Pilipinas at nabigyan na ng lahat ng kanilang mga kailangan at reintegration support mula sa gobyerno.

Ayon pa sa kalihin, patuloy ang kanilang monitoring efforts at mananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan at repatriation ng lahat ng mga seafarer.

Maigting din na makikipag-ugnayan ang DMW sa Department of Foreign Affairs (DFA) para matiyak ang kapakanan at ligtas na pagbabalik ng mga Piilipinong tripulante na nananatili sa kustodiya ng houthis alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang Pilipino ang mapagiiwanan.