Naglabas naman ng pahayag si Miss Universe 2023 Top 10 finalists Michelle Dee sa statement ng host country na Miss Universe El Salvador na inako ang kanilang pagkakamali sa kumalat at kontrobersiyal na screenshot ng Top 5 results sa Miss Universe 2023 pageant.
Sa social media broadcast channel ni Dee, ibinahagi nito ang kaniyang pananaw sa nangyari.
Sinabi ng pinay actress-beauty queen na walang dapat na lugar para sa pagkakamali subalit sa reyalidad ay nabubuhay tayo sa isang hindi perpektong mundo.
Kayat hiniling ni Dee hindi lamang ang pagrespeto sa mga kandidata kundi pati na rin sa mga supporter na nagmamahal sa nasabing platform.
Una rito, sa inilabas na statement ng Miss Universe El Salvador humingi ito ng patawad sa dalawang kandidata ng Miss U na sina Miss PH Michelle Dee at Ms. Thailand Anntonia Porsild sa pag-mix up umano ng kanilang pangalan sa kanilang post.
Isang simpleng pagkakamali aniya ang nangyari dahil sa pagmamadali at narinig aniya ang parehong resulta sa live at ng mga nanunood at walang din aniyang special access dito ang organisasyon.
Nag-ugat nga ang naturang isyu matapos kumalat ang kuhang screenshot mula sa social media post ng host country na El Salvador kung saan sa unang screenshot makikitang kabilang si Michelle Dee sa Top 5 subalit kalaunan makalipas ang 10 minuto muling nag-upload ng bagong top 5 finalists kung saan kapansin-pansin ang pagbabago, nawala ang pangalan ni Dee at pinalit ang pambato ng Thailand na si Anntonia Porsild.
Samantala, nakatakda namang umuwi dito sa Pilipinas araw ng Sabado si Dee. Nagtapos nga si Michelle Dee sa Top 10 finish subalit nasungkit naman nito ang 3 special awards,kabilang ang Spirit of Carnival Award, Miss Universe’s fan vote, at Golden award para sa Voice for Change.
Last edited by forever on Thu Nov 23, 2023 1:30 pm, edited 1 time in total.