South Africa Miss U sash
screen grab from Miss Universe Twitter video

Tinanghal bilang bagong Miss Universe ang kandidata ng South Africa na si Zozibini Tunzi.

Ito’y sa katatapos na coronation night sa Atlanta, Georgia, kung saan ipinasa na ng Pinay at 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang prestihiyosong korona.

Iginawad naman ang second runner-up kay Miss Mexico, habang first runner-up ang Miss Puerto Rico.

Bago sa Top 3, sumalang sa nakagawiang question and answer portion ang Top 5 na kinabibilangan ng Mexico, Thailand, Colombia, Puerto Rico at South Africa.

Habang ang mga napili pang umusad sa Top 3 ay pagandahan ng sagot sa iisang tanong na, “Ano ba ang pinakamahalagang maituturo sa mga kabataang kababaihan sa kasalukuyang panahon?”

Matapos nito, nagpatalbugan pa ang Mexico, South Africa at Puerto Rico, sa tinawag kanina na final word.

Dito nga nangibabaw ang pambato ng South Africa.

Samantala, una kanina ay nakapasok hanggang sa Top 20 si Miss Philippines Gazini Ganados sa pamamagitan ng “wild card” ngunit laglag na ito pagdating sa Top 10.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here