Janelle Tee
Miss PH Earth 2019 Janelle Tee

Nabigo ang pambato ng Pilipinas na si Janelle Tee na masungkit ang korona sa katatapos lamang na Miss Earth 2019.

Ginanap ang nasabing beauty pageant kahapon, October 26, sa Okada Manila, Parañaque City.

Nakapasok si Tee hanggang Top 20 ng patimpalak ngunit hindi ito pinalad na makapasok ng Top 10.

Ito na sana ang ikalimang titulo ng Pilipinas sa naturang pageant.

Dating co-host ni Willie Revillame si Janelle sa kaniyang variety program na Wowowin.

Habang nakuha naman ng pambato mula USA na si Emanii Davis ang titulong Miss Earth-Air 2019.

Miss Earth-Water 2019 si Kiara Vavruskova mula Czech Republic at itinanghal naman bilang Miss Earth-Fire ang pambato ng Belarus na si Amilsa Manenok.