GENERAL SANTOS CITY- Pinaghahanap na ngayon ang isang pulis matapos inireklamo ng isang mister na nahuling nakikipagtalik umano sa kanyang misis sa Bulaong Extension, Barangay North ng lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni PCpt. Abdulsalam Mamalinta Jr. hepe ng Pendatun Police Station na humingi ng assistance sa kanilang presinto ang isang Julio Junio, 37 anyos, isang negosyante matapos umanong caught-in-the-act nito ang kanyang misis na si Cherry, 30 taong gulang na may katalik na isang lalaki sa mismong nirentahan nilang bahay.
Kaagad namang rumesponde sa area ang mga pulis pero hindi na inabutan ang inirereklamong lalaki ngunit dinampot ng mga otoridad ang misis.
Narekober sa isang kuwarto ang 9mm psitol, brief at shortpants na kalaunan ay inamin naman ng babae na pagmamay-ari ni PSsg Joel I. Cuyos.
Bakas naman sa sahig ang dugo matapos na hinampas ng mister ng bakal si PSsg. Cuyos bago pa ito kumaripas ng takbo na walang saplot ang katawan.
Nasa kustodiya na ng Pendatun Poilice Station ang misis habang patuloy na pinaghahanap si PSSg Cuyos na napag-alamang sumailalim sa Slimmer’s World Program ng PNP Region 12.