-- Advertisements --

Nagkaroon ng maliit na Strombolian activity sa summit crater ng Mayon Volcano nitong Biyernes ng madaling araw, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Na-capture ang footage ng aktibidad sa summit crater ng Mayon bandang 12:48 a.m. ng Mayon Volcano Observatory at PHIVOLCS Quick Response Team.

Ayon sa PHIVOLCS, nagpapatuloy pa rin ang effusive eruption sa Mayon Volcano sa ika-109 na araw, na nagdudulot ng mga incandescent lava flows, pyroclastic density currents o kilala bilang “uson”, at madalas na pagguho ng mga bato.

Dahil dito, nananatili ang Alert Level 3 sa Mayon Volcano at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometrong Permanent Danger Zone.

Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga apektadong lugar.