Hinimok ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang China na i-withdraw ang lahat ng kanilang barko sa West Philippine Sea bilang pagpapakita ng good faith sa alok nilang maresolba ang territorial disputes sa Philippines sa nasabing rehiyon.
Binigyang diin ni Cong. Rodriguez na dapat i recall na ni President Xi Jinping ang mga nasabing barko military vessel man ito Coast Guard, militia, o civilian ng sa gayon ang Philippine Navy, Phil Air Force at Phil. Coast Guard ay malayang makapagsagawa ng patrulya at ang mga Pinoy na mangingisda ay hindi na hina-harass.
Ang pahayag ng mambabatas ay reaksiyon sa plano ng Beijing na buksan muli ang pag uusap kaugnay sa oil and gas exploration at resolbahin ang maritime issues sa isang cordial manner.
Sa panig naman ni Pang. Bongbong Marcos sinabi nito na nangako si President Xi’s sa isang compromise at solution na papayagan ang mga Filipinong mangingisda na makapag pangisda sa nasabing lugar.
Si Cong. Rodriguez ay kilalang kritiko sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea at ang pagtanggi ng Beijing na kilalanin ang 2016 ruling ng international arbitral tribunal na kinikilala na bahagi ito ng teritoryo ng Pilipinas.
Bago ang biyahe ng Pangulo sa China, inulat ng militar ang swarming ng mga Chinese vessels sa West Phl Sea.
Winelcome naman ng mambabatas ang pahayag ni President Xi subalit dapat payagan na ng China ang mga mangingisdang Pinoy makapangisda sa Scarborough or Panatag Shoal na siyang traditional fishing ground na bahagi ng 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Suportado ni Rodriguez ang oil and gas exploration, at maari itong payagan sa mga lugar malapit sa Palawan gaya ng Recto Bank na bahagi ng EEZ, subalit dapat respetuhin ng China ang ating territorial rights.