Ideniklara mgayon ng number one player ng NBA defending champion na Milwaukee Bucks na hindi sila magkakampante dahil gutom pa rin sila para idepensa ang kanilang korona.
Ayon sa NBA superstar na si Giannis Antetokounmpo, ang kanilang pagbabalik ay hindi bilang isang kampeon kundi tulad din ng ibang mga teams ngayon.
Binigyan diin ng two-time MVP at Finals MVP, hindi pa sila kontento sa pagsungkit sa korona at kaya nila itong ulitin ngayong season.
Sinabi pa ni Giannis, bilang lider ng koponan, alam niyang kukuyugin sila ng mga karibal na teams pero handang-handa umano sila.
Para kay Giannis, wala siyang pakialam sa mga trophies, ang karangalan bilang MVP o kaya Defensive Player of the Years, kundi ang mapaganda pa ang kanilang mga laro.
Simula na nga bukas ang training camp ng mga teams habang sa October 19 naman ang pagbubukas ng bagong season ng NBA.