-- Advertisements --

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may isa silang senior official na nagpositibo sa Coronavirus o COVID 19.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Filemon Santos Jr., kasalukuyan aniyang ginagamot ang nasabing opisyal gayundin ang asawa nito sa AFP Medical Center o mas kilala bilang V Luna Hospital sa Quezon City

Nabatid na may travel history sa ibang bansa ang nasabing opisyal at asawa nito at nasa ospital na noon pang March 15 dahil sa pagiging Perons Under Investigation bagama’t asymptomatic ang mga ito.

Samantala, naghigpit ngayon ang buong kampo at limitado na ang galaw ng mga papasok at palabas ng Kampo.

Ayon kay Santos, dalawang gate lang ang nakabukas.

Nagdagdag na rin sila ng Thermal Scanners para mabilis na malaman ang temperatura ng mga papasok at palabas ng kampo,

Maglalabas din ng guidelines ang tanggapan ng Deputy Chief of Staff for Personnel o J-1 para sa work from home status ng mga Civilian employees ng AFP habang kailangang manatili sa kampo ang lahat ng uniformed personnel upang hindi maapektuhan ang kanilang operasyon.