Patuloy na pinag-aaralan ang mga detalye kaugnay sa military and uniformed personnel (MUP) pension reform bill ayon kay Nationa Defense chief Gilbert Teodoro Jr.
Saklaw sa naturang panukalang reporma ng MUP pension ang pagtanggal ng automatic indexation sa pension at pagpapatupad ng mandatoryong kontrikusyon sa mga military personnel.
Umaasa naman ang Defense chief na maipasa sa Kongreso ang panukala para sa reporma sa pension system para sa Armed Forces dahil ito ang numero unong marching order ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon pa sa kalihim kasalukuyang tinatrabaho at ikinokonsulta na ang naturang panukala at umaasa ang kalihim na ma-enact na ito ng Kongreso at malagdaan na ng Pangulo sa lalong madaling panahon.
Sa kasalukuyan, mayroong dalawang panukalang batas sa MUP pension reform ang inihain na sa Senado.