-- Advertisements --

Naisalba ni Khris Middleton ang Milwaukee Bucks sa kanilang overtime win laban sa mahigpit na karibal na Miami Heat, 109-107 sa Game 1 sa NBA playoffs.

Naipasok ni Middleton ang tira sa 0.5 seconds ang nalalabi sa overtime.

Sa kabuuan nagtala siya ng 27 points.

Malaking tulong din naman ang ginawa ni Giannis Antetokounmpo na nagpakita ng 26 points, 18 rebounds at five assists kahit ilang mga tira rin ang sumablay.

Naging dikitan ang harapan ng dalawang koponan mula sa simula na halos walang nakalamang ng mahigit sa apat na puntos.

Sa kampo ng Miami si Goran Dragic ay umiskor ng 25 points na siyang naging daan din upang dalhin ang team sa overtime.

Ang teammate na si Duncan Robinson ay nag-init ng husto na mula sa 24 points pito rito ay mula sa 3-point range.

Aminado ang Miami na pressured ang No. 1 overall seed na Bucks na ipanalo ang Game 1 sa harap ng kanilang mga fans.

Noong nakaraang taon ay tinalo ng Heat sa serye ang Bucks sa playoffs sa Florida bubble.